Thursday, July 31, 2014

‘Dry run’ sa Sucat interchange bridge, naudlot

NAUDLOT ang gagawin sanang “dry run” kamakalawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa gagawin nilang pagsasara sa Sucat Interchange Bridge makaraang pigilan sila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Napag-alaman na hindi pinahintulutan ng MMDA ang DPWH na isagawa ang dry run dahil hindi umano nakipagkoordinasyon ang mga ito sa kanilang tanggapan.


Maging ang pamunuan ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) ng Parañaque City ay nagulat nang malaman na lang nila na may plano ang DPWH na magsagawa ng pagsasaayos sa naturang tulay dahil hindi rin umano nakipagkoordinasyon ang naturang ahensya sa lokal na pamahalaan.


Ayon kay Teddy Barandino, hepe ng TPMO ng Parañaque, hindi na dapat magsisihan at kailangan na munang mapag-usapan ang mga gagawing hakbang sa gagawing pagsasaayos sa tulay.


Dahil dito, paplantsahin ng pamunuan ng DPWH, MMDA lokal na pamahalaan ng Parañaque at Skyway operations and maintenance corporation ang schedule at retrofitting ng Sucat Interchange Bridge.


Matatandaan na naglabas ng abiso ang DPWH na magsasagawa sila ng rehabilitasyon at pagsasaayos ng naturang tulay kung saan tatagal ito ng 45-araw na magreresulta ng mabigat na daloy ng trapiko sa naturang lugar.


Pinag-aaralan naman ng lokal na pamahalaan ng Parañaque kung magpapatupad sila ng truck ban at re-routing sa naturang lugar upang maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko. Jay Reyes


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Dry run’ sa Sucat interchange bridge, naudlot


No comments:

Post a Comment