Wednesday, July 30, 2014

Gonzalez itinangging kasama ni Paolo Bediones sa sex video

TAHASANG itinanggi ng flight attendant na si Helen Garbo Gonzalez na siya ang babaeng kasama ng TV news anchor na si Paolo Bediones sa kumalat nitong sex video.


Nilinaw ni Gonzalez na isang taon na siyang naninirahan sa Middle East at kahit pa umano magkakilala sila ni Bediones ay wala na silang komunikasyon ngayon.


Giit pa ni Gonzalez, biktima lamang siya ng mistaken identity.


Ayon kay Gonzalez, kanyang nakilala si Bediones tatlong taon na ang nakaraan at isang beses silang nagkasama sa lunch.


Nagulat ang flight attendant na nadawit siya sa iskandalo.


Napakapribado umano niyang tao at nais niyang humingi ng apology ang sinomang nagdawit ng kanyang pangalan sa kontrobersya.


Isa pang pangalan na nadadawit ay ang FHM model na si China Roces na todo-tanggi rin na siya ang nasa sex video.


Samantala, tikom pa rin ang bibig ni Bediones kaugnay sa pagkalat ng kanyang sex video. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Gonzalez itinangging kasama ni Paolo Bediones sa sex video


No comments:

Post a Comment