INAMIN mismo ng Commission on Elections (Comelec) na mababa ang bilang ng mga nagparehistro sa unang dalawang buwan ng ginagawang voter’s registration sa buong bansa.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., umabot lamang sa kalahating milyon ang mga nagparehistro sa unang dalawang buwan ng pagpaparehistro para sa 2016 Presidential elections.
Malayo ito sa target ng poll body na makapagparehistro ng tatlong milyong bagong botante at 9.3-milyong rehistradong botante na walang biometrics data.
Una nang binalaan ng Comelec ang mga rehistradong botante na walang biometrics data na buburahin sa voters’ list at hindi makakaboto sa susunod na eleksyon.
Ani Brillantes, sa ngayon ay nasa proseso na sila ng pag-evaluate sa kanilang voter’s registration program upang matukoy kung bakit mababa ang bilang ng mga nagpaparehistro.
Pinag-aaralan rin umano nila na maglunsad ng bagong kampanya para mahikayat ang publiko na magparehistro.
Ang nationwide registration ay sinimulan noong Mayo 6 at tatagal hanggang Okture 31, 2015. Macs Borja
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment