Tuesday, July 29, 2014

Paslit, tepok sa motorsiklo

PATAY ang isang 6-anyos na lalaki makaraang masagasaan ng motorsiklo habang tumatawid sa Ortigas Avenue Extension sa Barangay Sto. NiƱo sa Cainta, Rizal, kaninang umaga, Martes.


Nabatid na may kasama pang dalawang bata ang biktima na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.


Sa inisyal na imbestigasyon, nilundag ng tatlo ang concrete barrier upang makatawid ngunit nahuli ang biktima at nabangga ng papalapit na motorsiklo.


Isinugod pa ng Cainta Rescue 131 sa Takano Hospital ang bata ngunit hindi na ito umabot nang buhay, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang rider na si James Ortega, 25, seaman, nagtamo rin ng sugat sa nasabing aksidente.


Depensa ni Ortega, binagalan na niya ang pagpapatakbo sa motorsiklo nang makita ang tatlong paslit na tumatawid.


Inakala naman umano niyang hihinto ang tatlo nang bumusina siya ngunit dumiresto pa rin kaya niya nabangga.


Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kakaharapin ni Ortega. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Paslit, tepok sa motorsiklo


No comments:

Post a Comment