Sunday, July 13, 2014

Security ni JPE tinapyasan ng PNP

BINAWASAN na ng Philippine National Police (PNP) ang security convoy ni Senator Juan Ponce Enrile.


Nasa dalawang sasakyan na lamang ang kasama sa convoy ng senador na nakasakay sa ambulansiya ng PNP Hospital.


Kasama ni Enrile ang isang medical team na binubuo ng isang doctor, nurse, isang aide at driver.


Ayon sa PNP, ang pagbawas ng security escorts ay bahagi ng kanilang pagtitipid sa gastos na nasa P40,000 tuwing lumalabas ang mga akusado ng pork barrel fund scam.


Ayon sa PNP Health Service, ito na ang ika-apat na pagkakataon na nakalabas ng Camp Crame ang senador.


Nabatid na alas-8:30 ng umaga kahapon nang lumabas mula sa Camp Crame sa QC ang convoy ng senador patungong Asian Eye Institute.


Tumagal lamang ng mahigit 30 minuto ang senador sa clinic at bandang alas-9:00 ay nakabalik din ng Kampo.


Nabatid na ito ang ikalawang Linggo na bumisita sa eye clinic ang akusadong senador sa pork barrel scam.


Unang Sabado mula nang maditene ito sa Camp Crame, noong July 5, nang dalhin sa Asian Eye Institute, na nasundan pa kinabukasan.


Nitong ikalawang Sabado ng Hulyo nang sa ikatlong pagkakataon magpatingin muli ang senador sa pareho pa ring klinika.


Ayon kay PNP Health Service Director C/Supt. Alejandro Advincula, na ang pagpapatingin ni Enrile ay para makaiwas umano ito sa pagkabulag.


Una nang sinabi ng abogado ni Enrile na naitakda na ang eye check-up ng senador bago pa lumabas ang warrant of arrest laban dito. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Security ni JPE tinapyasan ng PNP


No comments:

Post a Comment