HANDA na ang speech ni Pangulong Benigno Aquino III na inaasahang sesentro sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) sa Hulyo 28.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, sabayang mapapanood at mapakikinggan sa mga istasyon ng telebisyon at radyo ang pahayag ni PNoy, alas-6:00 ng gabi.
Matatandaang sa pagdeklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang ilang bahagi ng DAP, umusbong ang mga panawagang patalsikin si PNoy, gayundin si Budget Secretary Butch Abad.
Tinangka naman na ni Abad na magbitiw nitong Huwebes ngunit pinigil ng Pangulo.
Pinabulaanan naman ni Coloma ang paratang na may itinatago si PNoy kaya tinanggihan nito ang pagbibitiw ng Budget secretary.
Nitong Sabado, binasag ni Abad ang pananahimik sa isyu ng DAP at inako ang papel sa pagbuo at pagpapatupad ng kontrobersyal na programa.
Gayunman, iginiit nitong hindi siya aalis sa puwesto sabay pasalamat sa tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kanya. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment