Sunday, July 13, 2014

Bagyong Glenda patuloy sa paglakas

PATULOY na lumalaskas ang bagyong Glenda habang papalapit sa bahagi ng Bicol-Quezon.


Ayon kay PAGASA weather forecaster Samuel Duran, naitala na ngayon sa 80 kilometro kada oras (kph) ang lakas ng hangin ng bagyo malapit sa gitna at may pagbugsong papalo sa 95 kph.


Pinag-iingat ang mga residente sa nakaumang na pagtama sa lupa na nakataas na ang storm signal number 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Northern Samar.


Asahan ang hanging may lakas na 30-60 kph sa mga naturang lugar sa susunod na 36 oras.


Sa loob ng 400-km diametro ng bagyo, asahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan (7.5-15 mm per hour).


Sa ngayon, makararanas ang Bicol Region at Eastern Visayas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.


Pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog naman sa nalalabing bahagi ng bansa.

May gale warning ding nakataas ngayon sa Eastern seaboard ng Visayas.


Bukod sa gale warning, awtomatikong walang biyahe ang mga sasakyang-pandagat sa mga lugar na isinailalim sa babala ng bagyo.


Pagtaya ni Duran, posible pang lumakas ang bagyo at umabot sa typhoon category dahil nasa karagatan pa ito. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Glenda patuloy sa paglakas


No comments:

Post a Comment