NAKATAKDA nang basagin ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang katahimikan kaugnay sa mga kontrobersyal na usapin na ikinakabit sa kanya, sa miyembro ng kanyang gabinete at sa kanyang administrasyon.
“Humihingi po ang Pangulo ng pagkakataon na makausap ang kanyang mga boss, ang mga mamamayang Pilipino, para magbigay-linaw sa mga isyu na humaharap sa ating bansa, kabilang na po ‘yung Disbursement Acceleration Program (DAP) na kailan lang ay pinagpasyahan ng Korte Suprema na unconstitutional,” ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr.
Isang malaking palaisipan kung mag-a-”I’m sorry” si Pangulong Aquino sa kanyang mga boss dahil sa matagal na pananahimik nito sa usapin ng DAP.
Sa kabilang dako, nagpasaklolo naman ang Malakanyang sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas para i-televised ang magiging talumpati ng Chief Executive.
“Layunin po ng Pangulo na makipagtalakayan sa ating mga mamamayan,” ayon kay Sec. Coloma. KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment