Monday, July 14, 2014

Gigi Reyes, isinalang sa panibagong medical procedure

ISINALANG sa panibagong medical procedure ang dating chief-of-staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes kaninang umaga, Hulyo 14.


Dakong 9 a.m. nang isagawa ang nuclear imaging procedure kay Reyes, na nakaratay ngayon sa Philippine Heart Center (PHC) sa QC.


Sinabi ni BJMP Spokesperson Aris Villaester, na ang naturang proseso na tinatawag na myocardial perfusion imaging ay para makita ang kung maayoS pa ang mga ugat at muscles sa puso ng kanilang preso.


Isang oras lang ay inaasahang magkakaresulta na agad ang procedure.


Napag-alamang nag-fasting o sadyang hindi pinakain si Reyes bago isagawa ang naturang nuclear heart imaging.


IbinaLik din agad sa kanyang kwarto si Reyes, na isinailalim na rin sa blood extraction para ma-check na rin ang kanyang thyroid.


Inaasahang ilalabas sa publiko ang mga resulta ng eksaminasyon kay Reyes sa Miyerkules o Huwebes.


Matatandaaang unang dumanas ng anxiety at panic attack si Reyes ilang sandali matapos itong ilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.


Sunod namang inilipat ito sa PHC matapos na rin itong humiling na mailipat sa mas malaking ospital. ROBERT C. TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Gigi Reyes, isinalang sa panibagong medical procedure


No comments:

Post a Comment