WALA ng buhay nang datnan ng kanyang mga kaanak ang isang nurse matapos magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Quezon City kagabi, Sabado, Hulyo 12.
Kinilala ang biktima na si Christina Reodanga, 27, registered nurse ng 100 Bayani St., Brgy. Santol, QC.
Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto dakong 6:30 kagabi.
Kinakatok umano ng pinsan ng biktima na si Tony John Salazar ang pintuan ng kuwarto ng biktima ng mga oras na iyon ngunit walang sumasagot.
Makalipas ang ilang minuto pinilit nang buksan ng pinsan ng una ang pintuan ng kuwarto nito at dito tumambad ang walang buhay na bangkay ng biktima na nakabitin ng nylon cord sa haligi ng kuwarto.
Isinailalim naman sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid kung may foul play sa pagkamatay nito.
The post Nurse, natagpuang nakabigti sa kuwarto sa QC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment