Sunday, July 13, 2014

Occ. Mindoro, Bukidnon inuga ng lindol

INUGA ng lindol ang Occidental Mindoro at Bukidnon kaninang umaga, Hulyo 13, Linggo.


Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang 3.3 magnitude na lindol sa silangan ng San Jose Occidental Mindoro dakong 2:06 ng madaling-araw.


Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 024 kilometro.


Samantala, kaugnay nito, naramdaman naman ang 3.4 magnitude na lindol sa kanluran ng Pangantucan, Bukidnon dakong 10:56 ng umaga.


Nabatid sa ulat na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 002 kilometro.


Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershock sa magkasunod na lindol.


The post Occ. Mindoro, Bukidnon inuga ng lindol appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Occ. Mindoro, Bukidnon inuga ng lindol


No comments:

Post a Comment