NAKAAMBANG pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Linggo ng gabi ang bagyong Glenda.
Base sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ito ang nakikitang paggalaw ng Bagyong ‘Rammasun’ (international name) sa taglay nitong bilis na 20 kilometro kada oras (kph) pakanluran.
Huli nang namataaan sa layong 1,410 kilometro silangan ng Bicol Region, alas-8:00 kaninang umaga.
Nananatili ang lakas ng bagyo sa tropical storm category, na may hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph.
Pahayag ni PAGASA weather forecaster Dioni Sarmiento, maaaring mag-landfall ito sa bahagi ng Luzon ngunit malayo pa ang bagyo dahilan para posibleng magbago pa ang datos.
The post ‘Glenda’ papasok sa PAR ngayong gabi appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment