HINDI masama ang mangarap. Tiyak iyan. Pero kung mangangarap ka ng isang bagay na kikilala sa iyo sa kabila ng wala ka naman totoong ginagawa, managinip ka na lang. Ang tawag diyan, mangarap ka ng gising!
Hindi masama na mangarap si Pangulong Benigno Aquino III (BSA3) kung anoman iyon. Karapatan ng kahit sino ang mangarap. Depende na ‘yun kung papaano mo aabutin, maabot at magtagumpay.
Katulad ng sa Norway ngayon. Nagpunta ang tropa ni OPAPP administrator Ging Deles. Ang sabi niya, dumalo lang daw sila ng pulong sa bansa na nagbibigay dangal sa mahuhusay, magagaling at mapaglingkod na tao sa iba’t ibang larangan ng lingkod-bayan sa pamamagitan ng NOBEL PRIZE.
Sa likot ng dila ng kasama ni Deles, nadulas, ikinakampanya ng OPAPP na kilalanin si BSA3 at gawaran ng Nobel Peace Prize? Sarap naman.
Ang batayan daw nila ay ang inisyatibo ng rehimen ni Aquino para sa kapayapaan – ang Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB). Ha? Hahahahahaha.
Kung hindi kasipsipan ang ginagawa ng OPAPP na pangangampanya sa Norway, ano ang tawag doon?
Sino ba ang ayaw ng kapayapaan sa bansa natin na dinurog na ng maraming uri ng rebelyon? Sino ba ang gustong pumatay ng kapwa Filipino? Ano ba ang ugat ng gulo sa Mindanao at maraming bahagi ng bansa natin?
Sabi nga ni Noynoy, “Walang mahirap, kung walang korap!” Totoo ‘yun. Mula noon, lalo na ngayon, mataas ang uri ng korapsyon.
Patotoo riyan ang paglobo ng bilang ng mahirap, walang makain, walang mapasukan na trabaho at ang nakamamatay na sabayan na pagtaas ng lahat ng uri ng bilihin at gastusin.
Dahil nabulgar ang kampanyang Nobel Peace Prize ng OPAPP para kay BSA3, inasahan na natin ang “deny to death” ng mga kampon ng trumpeta – Coloma, Lacierda at Valte. Amalayer?
Mukhang mas bagay ang No Bail para sa rehimen ni Aquino ngayong inilabas na ang desisyon ng Korte Suprema sa Discretionary Allocation Program (DAP).
Iligal ang DAP! At dahil humigit kumulang P70-bilyon ang sangkot na nilaspag ng pera ng bayan, plunder lang at wala ng iba pa ang kaso riyan.
Lamang, may naluto yata sa kusina ni SCCJ Sereno na ideklarang ilegal ang DAP pero hindi dapat managot ang may gawa, sina Aquino at teacher Butch Abad. Anak kayo ng pitumput -pitong puting tupa!
Ganyan din sa PDAF. Nalinis na, kalaban lang ang dapat magdusa! No bill sa Aquino KKKKK?
The post NOBEL, NO BAIL OR NO BILL NI NOYNOY appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment