PUTOK na putok sa Manila City Hall noong mga nakaraang Linggo na hanggang June 30 na lang ang panunungkulan ni City Administrator Atty. Simeon Garcia dahil ayaw na umano ni Mayor Joseph Estrada ang serbisyo nito.
Ang pagkalat ng balita ay sinasabing pakana lang ng mga nagngangat, lalo na ang grupo ni Secretary to the Mayor Atty. Edward Serapio at retired General Roberto Calinisan upang makuha ang puwesto ni Garcia nang magawa nila ang mga gusto nila sa lungsod.
Pilit na sinisira ng nasabing grupo ang pagkatao ni Garcia sa paningin ng alkalde gamit ang vendors at kolektong sa Divisoria, Quiapo at Avenida.
Kaso, nag-boomerang sa kanila ang kanilang paninira dahil ang mga taong ipinakakalat nilang kinokolektahan ng mga tauhan ni City Ad ay pawang patay na at ang ilan ay imposibleng makapagbigay ng malaking halaga sapagkat nagtitinda lang ng mga sibuyas at ibang gulay sa pamilihan.
Mabuti na lang maraming naniniwala na hindi kayang sirain ni Garcia ang pangalan ni Mayor Erap dahil lang sa konting barya.
Pero ang grupong nakatalaga ngayon upang mangasiwa ng mga magtitinda ay pawang kumokolekta ng limpak-limpak na salapi dahil tatlong beses ang koleksyon.
Talagang hindi kayang sirain ni City Ad ang pangalan ng kanyang amo dahil lang sa konting halaga at talagang trabaho ang ginagawa nito sa City Hall mula umaga hanggang hapon.
Pero ang mga laging nasa tabi ni Mayor Estrada at nagngangatngat ng tenga ay pawang gumagawa ng hakbang upang kumita, lalo na sa mga kontraktor na pinapupunta nila sa tanggapan ng ilang positibong kliyente.
Dapat, hindi padadala si Garcia sa pang-uurot at paninira sa kanya ng grupo ni Serapio sapagkat siya rin ang talo rito at kawawa naman ang mga tauhan ng Manila City Hall kapag si Serapio na ang pumalit sa puwesto niya.
Si Serapio ang pumipirma ng papeles para sumuweldo ang mga empleyado at inaabot ito ng buwan bago mapirmahan dahil madalas wala sa kanyang tanggapan ang nasabing opisyal.
Pero mas lalong kawawa si Mayor Estrada sapagkat malalagay sa balag ng alanganin ang kanyang posisyon at posibleng mahulog na naman siya sa kumunoy dahil kay Serapio na hindi naman niya talagang tao kundi tao ng kagrupo ni Pangulong Benigno Aquino III.
Hindi na dapat maniwala si Mayor Estrada rito kay Serapio at maging kay GenBob na walang ginawa kundi ang isipin kung paano sila magkakamal ng dambuhalang salapi.
Ang masakit, pawang maliliit ang napeperwisyo sa paggawa nila ng salapi.
Dapat na huwag padadala si Mayor Erap sa mga nakapaligid sa kanya na pilit na hinaharang ang mga totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya na makadikit man lang at maibulong ang mga kaganapan sa kapaligiran.
Huwag sanang pabulag ang alkalde sa mga taong ang nais lang ay sirain siya habang ang mga ito naman ay patuloy na nagkakamal ng pera.
ooo
Belated happy birthday to Insp. Rommel Anicete, commander of Plaza Miranda Police Community Precinct, who celebrated last Monday. Dumami pa sana ang mga opisyal na katulad mo na nagtratrabaho nang parehas.
The post HUWAG PABULAG appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment