Tuesday, July 1, 2014

TIBA-TIBA ANG MUNTI AT VALENZUELA

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB TULOY-TULOY ang progreso sa Lungsod ng Valenzuela.


Ito ang ipinararamdam ni Mayor Rex Gatchalian matapos isakatuparan ang sangkatutak na proyekto na talaga namang kailangang-kailangan ng tao.


Magmula sa sangkatutak na silid-aralang naitayo at ipinatatayo ay pinagtuunan din ng dobleng pagtingin ang problema sa lungsod sa baha.


Tuloy-tuloy ang paglilinis ng daluyang tubig sa lungsod at katunayan ay bumili pa ang kasalukuyang liderato ng makabagong heavy equipment para gamitin dito.


Maging ang mga barangay ay todo ang pagkalinga ni Mayor Rex dahil bukod sa regular na tulong para sa kanilang mga pagawain ay inayos at binago nito ang halos lahat ng health center sa siyudad.


Sa kasalukuyan ay mahigit sa walong modernong barangay hall na kumpleto sa lahat ng uri ng pangangailangan sa paglilingkod ang ipinatatayo ni Mayor Rex at iyan ang kaabang-abang sa lahat.


Maging ang mga senior citizen ay kanya ring kinakalinga at patunay na nga rito ang mga proyektong makabuluhan, gaya ng pagbibigay niya ng trabaho sa mga ito bilang traffic enforcer at first aide responder sa lahat ng pampublikong paaralan sa siyudad.


Sa maikling salita, mapalad ang Valenzuela dahil mayroon silang Mayor Rex Gatchalian na tunay na nagmamalasakit sa kanyang pamayanan.


o0o


Swerte ang siyudad ng Muntinlupa dahil nagkaroon sila ng alkalde na may malasakit sa bayan at kanyang mga mamamayan.


Ito’y matapos ipakita ni Mayor Jaime Fresnedi ang kanyang galing sa paglilingkod at serbisyo publiko sa kabila ng sangkatutak o bilyong utang na iniwan sa kanya ni dating alkalde Aldrin San Pedro.


Sa hindi po nakaalam ay umabot sa P2-bilyon ang utang na iniwan ni San Pedro kay Fresnedi kaya naman todo sipag ang kasalukuyang alkalde na makakolekta ng husto para mabayaran ang pagkakautang at para na rin maisakatuparan ang kanyang mga pangunahing proyekto.


Kataka-takang nakapagsubi o nakapag-save pa ng P17 milyon sa kaban ng Muntinlupa si Fresnedi sa kabila ng pagbabayad niya ng utang at ang lalong nakamamangha ay patuloy na bumabaha ang proyekto sa lungsod ng Muntinlupa.


Para sa kaalaman ng lahat, sa Muntinlupa lamang tayo makakakita ng scholarship magmula sa elementarya hanggang sa kolehiyo dahil sa kakaibang idea na ito ni Fresnedi.


Malinaw kasi sa pamantayan ni Fresnedi ang pagkalinga at edukasyon kaya’t todo ang suportang ibinibigay niya sa kabataan.


Maging sa aspeto ng pagbibigay bahay ay tinututukan ni Mayor Jimmy at katunayan nga nito ay kabibigay niya lang ng disenteng bahay sa mga residente ng Barangay Putatan at mga ilang buwan na lang ang aantayin ng Barangay Tunasan ay sila naman ang makakatikim ng pabahay ni Fresnedi.


Maging ang waste water treatment facility sa Alabang Market ay naayos na ni Fresnedi kaya naman tuwang-tuwa ang mga residente ang tindera sa naturang pamilihan.


Sangkatutak pang proyekto ang isasagawa ni Fresnedi sa Munti kaya’t kapit lang tayo dahil marami pang darating na maganda sa naturang lungsod.


The post TIBA-TIBA ANG MUNTI AT VALENZUELA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TIBA-TIBA ANG MUNTI AT VALENZUELA


No comments:

Post a Comment