Saturday, July 12, 2014

MM, karatig lalawigan ligtas sa brownout

LIGTAS ngayong Linggo sa brownout ang Metro Manila at ilang karatig lalawigan.


“Ngayon naman ang outlook natin ngayon is that sa nakikita namin, walang brownout kaya lang manipis ang reserve natin, only on certain hours,” ani Energy Secretary Jericho Petilla.


Partikular aniyang magiging manipis ang reserbang kuryente ng alas-11 ng umaga, alas-7, alas-8 at alas-9 ng gabi.


Sa mga oras na nabanggit, nasa yellow alert aniya ang grid.


“‘Pag sinabi nating manipis ang ating reserve, walang brownout, huwag lang babagsak ang isang planta, lalo na kung malalaki.”


Kung maliit na planta lamang na may 100 megawatts, kakayanin aniya ito ng nalalabing reserba.


Sa ngayon, inaasahan ng DoE na isa sa dalawang planta, na nagkaaberya noong isang linggo, ay babalik sa normal ngayong araw.


Pagtitiyak ni Petilla, patuloy na tutukan nila sa energy sector na hindi magkaroon ng interruption sa mga susunod na oras.


The post MM, karatig lalawigan ligtas sa brownout appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MM, karatig lalawigan ligtas sa brownout


No comments:

Post a Comment