DALAWA katao ang sugatan matapos hagisan ng granada ng isang lalaki na nakasakay ng motorsiklo sa Binondo, Maynila.
Isinugod ang mga biktima sa Jose Abad Santos General Hospital na nakilalang sina Eloisa Guttierez, 38, vendor ng Block 1,Unit 83, Baseco cmpd., Binondo, Maynila; at Ferdinand Cabaldo, negosyante ng #23 Ugong Street., Sta. Mesa Hills, Quezon City.
Sa ulat ng Juan Luna Police Community Prescint, alas-dos kahapon ng maganap ang pagsabog sa harap ng tindahan ng LITO Whole Saler Sako na matatagpuan sa 718 Caballero St., Binondo, Maynila.
Ayon kay SP03 Henry De Vera, bago maganap ang pagsabog sa nasabing tindahan ng sako ay una nang may nadakip na dalawang trahabador sa nabanggit na establisimiyento na umano’y may nakabinbing warrant of arrest sa kanilang lalawigan.
Isang lalaking nakasuot ng helmet at nakasakay sa motorsiklo ang huminto sa tapat ng tindahan ang naghagis ng granada na tumama sa bubong saka sumabog pagbaksak nito.
Pawang dumadaan lamang sa naturang lugar ang mga nasabing mga biktima.
Ayon sa Manila Police District Explosive Ordinance Division (MPD-EOD), ang granada ay isang MK2 Fragmentation Hand Grenade.
The post 2 sugatan sa granada appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment