PARA maka-menos sa gastusin at hindi na makaabala pa, iminungkahi na mas makabubuti kung ang opthalmologist na lang ni Senator Juan Ponce Enrile ang mismong bibisita sa PNP General Hospital sa Camp Crame para suriin ang mata ng kanyang kliyente kaysa ito pa ang magpunta sa Asia Eye Institute sa Rockwell, Makati City.
Ito ang naging suhestyon ni PNP Health Service Director chief P/Supt. Alejandro Advincula sa halos apat na sunod-sunod na pagpunta ni Enrile sa nasabing eye institute na ang pinakahuli ay kaninang umaga, Hulyo 13.
Pero kung ang mga medical equipment na ipangsusuri sa mata ni Enrile ay hindi aniya maaring dalhin sa PNP General Hospital dahil sa naka-fix itong nakakabit sa klinika, walang magagawa kundi maglabas-pasok ang 90-anyos na mababatas sa Camp Crame na naunang nang ginawang hakbang.
Paglilinaw din ni Advincula, bagaman may sariling opthalmologist ang PNP General Hospital, mas makabubuti aniya na sa nasabing sensitibong karamdaman ni Enrile ay ang unang doktor na ang tumingin at magpatuloy na gumamot dahil mas alam nito ang history ng kanyang pasyente.
Matatandaang kahapon lamang, Hulyo 12, ay muling ibinayahe ang senador para sa check-up ng kanyang mata at nitong nakalipas na weekend naman ay dalawang beses na dinala rin ito sa kanyang doktor sa mata.
Samantala, una nang inihayag ng PNP na bawat paglabas ng senador ay umaabot sa P40,000 ang kanilang gastos sa round trip na pagbiyahe nito.
Sa tatlong araw na paglabas ng senador sa Kampo Crame nasa kabuuang P120,000 na ang nailalabas na pera ng PNP.
The post Check-up ni Enrile sa PNP Hospital na lang appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment