NASUNOG ang restaurant na nakapuwesto sa isang shopping mall sa Cubao, Quezon City nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 1.
Wala namang nasaktan sa sunog na nagsimula dakong 6:46 p.m. dahil agad nailikas ang mga kustomer na kumakain sa isang sangay ng Gerry’s Grill na nasa ground floor ng Ali Mall bago umabot sa ikatlong alarma ang apoy.
Naapula ito dakong 7:55 p.m.
Isa sa sinisilip ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BPF) na sanhi ng sunog ay faulty eletrical wire.
Pinasalamatan naman ng managemnt ng Ali Mall ang QC fire department dahil sa maagap na pagresponde.
Nangako din sila sa kanilang mga kostumer na kanilang uunahin ang pakikipag-koordinasyon sa QC government para sa kaligtasan ng kanilang mga kustomer.
The post Grill resto sa Ali Mall, Cubao nasunog appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment