NAGPASAKLOLO na sa publiko ang mga nagsusulong sa Freedom of Information Bill (FOI) upang maging mabilis ang pagpapasa dito ng Kongreso.
Ipinaliwanag ni Paranaque Rep. Gus Tambunting na bagama’t nangako si House Speaker Feliciano Belmonte na ipapasa ang FOI ngayong 16th Congress ay napakabagal naman aniya ang pag-usad nito sa Kamara gayung matagal na itong aprubado sa Senado.
“Humihingi po kami ng tulong, sabi po namin na baka pwedeng tulungan niyo po kami para po mas mapabilis ang usapin ng FOI bill dito sa House of Representatives kasi nga naaprubahan ng Senado at dito ay medyo mabagal po ang pag-abante ng diskusyon pagdating po sa FOI bagama’t naniniwala po tayo sa sinabi po ni Speaker Belmonte na hindi po matatapos itong 16th Congress,” ayon kay Tambunting.
Kahapon ay pormal na inilunsad sa University of the Philippines (UP) ang pangangalap ng lagda bilang suporta sa mabilis na pag-usap ng FOI at kasama ni Tambunting na dumalo sina DIWA Partylist Rep. Emmeline Aglipay, Ang Nars Partylist Rep. Lea Paquiz at si Senador Grace Poe.
Maging si Ifugao Rep. Teddy Baguilat ay nangalap din ng lagda para sa FOI upang patunayan na malawak ang suporta ng publiko sa panukalang ito at pangontra sa argumento ng mga kritiko ng panukala na wala namang clamor ang publiko sa pagsasabatas nito.
Ayon kay Baguilat, ito na ang pagkakataon ng lahat ng sektor para iparamdam sa Kongreso at sa Malakanyang na malakas ang clamor ng publiko para sa FOI na inaasahang magiging susi para masawata ang katiwalian sa gobyerno.
The post Signature campaign para sa FOI, sinimulan na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment