Wednesday, July 2, 2014

Bukidnon mayor, sugatan sa NPA ambush

SUGATAN sa New People’s Army ambush si Bukidnon town mayor Mario Okinlay kaninang umaga, Hulyo 2.


Si Impasug-ong mayor Okinlay ay nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at ngayo’y nagpapagaling na lamang sa ospital.


Hinahanting na ngayon ng awtoridad para panagutin sa krimen ang may tatlo hanggang limang rebelde.


Sa ulat, naganap ang insidente 9:15 ng umaga sa may Barangay Buntungan, Impasug-ong, Bukidnon.


Ayon kay 4th Infantry Division spokesperson Major Christian Uy, bago ang insidente ay nagmula sa isang medical mission ang biktima at mga kasamahan at pabalik na sa munisipyo nang ratratin ng mga rebelde.


Nakaganti naman agad ng putok ang tropa ng militar na nag-escort kay Okinlay at napaatras ang mga rebelde.


The post Bukidnon mayor, sugatan sa NPA ambush appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bukidnon mayor, sugatan sa NPA ambush


No comments:

Post a Comment