PATAY ang isang taxi driver makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang pauwi sa Novaliches, Quezon City Sabado ng gabi, Hulyo 12.
Kinilala ni Chief Inspector Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Neptali Esculano, 35, ng Block 38, Lot 16, Ilang Ilang St., Pasong Putik, Novaliches, QC.
Si Esculano ay nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.
Sa ulat ni PO3 Ericson Isidro, naganap ang insidente sa compound malapit sa bahay ng biktima. Nabatid na naglalakad ang biktima sa naturang compound nang biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at binaril ang una.
Isang Odeneon Layagwan na kapitbahay ng biktima na ang nakarinig ng putok ng baril nang maganap ang insidente.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit at iniwan ang duguang biktima.
Sinisiyasat pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaslang at suspek sa naturang krimen.
The post Taxi driver utas sa pamamaril appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment