OPISYAL ng idineklara ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa sa darating na Hulyo 29, Martes bilang paggunita sa Eid’l Fitr o Feast of Ramadhan.
Sa ipinalabas na Proclamation No. 826 ay nakasaad dito na regular holiday ang paggunita ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadhan dahil na rin sa bisa ng Republic Act No. 9177.
Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim ng tatlong araw matapos ang isang buwan ng fasting o pag-aayuno.
Layunin nito na itaguyod ang cultural understanding, pagsasama-sama at pagkakaroon ng oportunidad na makiisa sa mga kapatid na Muslim sa paggunita at pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
“In order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness, it is necessary to declare Tuesday, 29 July, 2014 as a regular holiday throughout the country,” ang nakasaad sa nasabing proklamasyon. KRIS JOSE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment