SINABI ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr. na nais niyang manatili na lamang bilang commissioner ng poll body si Grace Padaca.
Ani Brillantes sa ulat, sa halip na i-reappoint bilang Comelec commissioner ay ilipat na lamang ni Pangulong Aquino si Padaca sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Brillantes, tinanong na niya si Padaca kaugnay sa balita ngunit maging ito ay walang nalalaman hinggil sa ulat.
Nilinaw naman ni Brillantes na ang nais niya ay muling maitalaga si Padaca sa Comelec dahil masaya siya sa performance nito.
Nauna rito, napaso ang appointment ni Padaca nang hindi siya naku-confirm ng Commission on Appointments.
Mayroon pang hanggang Hulyo 28 ang Pangulong Aquino upang muli siyang i-appoint. MACS BORJA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment