IDINEKLARA ng UN Security Council ang agarang ceasefire sa pagitan ng Israeli forces at Palestinians sa border nila na Gaza Strip.
Ito’y sa gitna ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga namamatay na umabot na sa 156 katao.
Kabilang naman sa mga sugatan ang police chief ng Gaza City.
Dahil dito, 15 miyembro ng UN Council ang nag-apruba sa panawagan ni Palestinian President Mahmoud Abbas hinggil sa ceasefire sa Gaza
Una ng nanindigan ang Israel na hindi sila yuyukod sa international pressure na magkaroon ng tigil putukan sa Gaza.
Ang pagsiklab muli ng karahasan ay sa gitna ng imbestigasyon sa naarestong anim na Jewish na suspek umano sa brutal na pagpatay sa Palestinian teenager sa Jerusalem.
Ang nasabing insidente ang dahilan ng marahas na kilos-protesta sa mga nagdaang araw.
Unang naiulat na ang pagpatay sa binatilyong Palestinian ay sinasabing ganti ng Jerusalem sa pagdukot at pagpatay sa tatlong Israeli teenagers na isinisisi sa militanteng Hamas.
Ang Hamas at iba pang Islamist militant groups sa Gaza ay itinuturing na kaaway ng Israel.
The post UN nagpatupad ng ceasefire sa Israel at Hamas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment