DAHIL lalo pang lumakas ang Bagyong Glenda na nasa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes at habang papalapit sa pagtama sa kalupaan, limang lugar na ngayon ang isinailalim sa signal no. 2 habang 17 naman ang signal no. 1 kabilang ang Metro Manila, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng PAGASA na ang tropical storm “Glenda” ay lalo pang lumakas at ngayo’y may taglay na hangin na aabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa sentro at pagbugso ng hanggang 120 kph.
Patuloy na kumikilos ang naturang bagyo pakanluran sa bilis na 28 kph, na tinutumbok ang Bicol Region.
Kabilang sa public storm warning signal no. 2 ay ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Sorsogon.
Nakataas naman ang signal no. 1 naman sa Burias Island, Marinduque, Quezon kabilang ang Polilio Island, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, Southern Aurora, Metro Manila at Northern Samar. ROBERT C. TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment