NAGPASAKLOLO sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang lalaki matapos bugbugin at holdapin ng umano’y tatlong pulis kaninang umaga sa Malate, Maynila.
Sa reklamo ni Jayson Villaran, 34, ng 84 San Miguel, Maynila kina SPO1 James Poso at PO3 Jayjay Jacob, alas-5:30 ng umaga nang sitahin siya habang sakay ng kanyang bike at binabaybay ang N. Lopez St. sa Malate, Maynila.
Sinabihan umano siya ng mga suspek na ilabas ang “bato” saka kinuha ang kanyang P200.
Nakilala umano ng biktima ang isang PO3 E. S. Abenoja na nakalagay sa name plate ng isa sa tatlong pulis ngunit ang isang SPO3 ay hindi nakuha ang pangalan dahil nakatakip ng jacket na itim ang name plate nito habang ang isa pa nilang kasama ay nakasuot lamang ng sibilyan.
Nagtamo ng mga sugat sa mukha at pasa sa dibdib at katawan ang biktima na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) para magpagamot.
Hinubaran pa umano ng sapatos at nawala ang damit at inilayo pa sa biktima ang dala nitong bisekleta bago tuluyang tumakas.
Ayon kay Poso, holdap umano ang pakay ng mga suspek dahil tinangay ang gamit ng biktima.
Nakatakdang kilalanin ng biktima sa pamamagitan ng mga larawan sa police gallery ang mga suspek.
The post 3 pulis inireklamo ng pagbubugbog at holdap appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment