Saturday, July 12, 2014

2 salvage victim, natagpuan sa Mt. Province

IFUGAO, MOUNTAIN PROVINCE – Dalawang lalaki na pinaniniwalaang sinalvage ang natagpuan sa Barangay San Marco, Alfonso, Ifugao, sa nasabing lalawigan kahapon ng hapon, July 12.


Ayon kay Alfonso police SPO2 Macario Dulawan, ang mga bangkay ay kinilalang sina Noel Vidad, 27, at isang Edward, 17, kapwa ng Barangay Kalabasa, Aurora, Isabela.


Sa imbestigasyon, ang dalawa ay posibleng biktima ng summary execution dahil sa mga tama ng baril sa kanilang ulo at katawan nito.


Maaaring pinatay ito sa ibang lugar at itinapon lamang sa Barangay San Marco, sa nasabing bayan.


Samantala, noong nakalipas na buwan, tatlong pugot na bangkay ng magpipinsan sa Kalinga ang natagpuan sa Aurora.


Hinala ng pulisya, may kinalaman sa mga kaso ng carnapping sa mga tribe boundaries ng Isabela, Ifugao at Kalinga sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang serye ng pagpatay.


The post 2 salvage victim, natagpuan sa Mt. Province appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 salvage victim, natagpuan sa Mt. Province


No comments:

Post a Comment