Sunday, July 13, 2014

2 sundalo sugatan sa bakbakan vs NPA

DALAWANG sundalo ang sugatan sa naganap na engkwentro ng Philippine Army at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Marcelino, General Nakar sa Quezon.


Nabatid na may combat operations ang mga miyembro ng First Infantry Battalion nang maka-engkwentro ang nasa 20 miyembro ng NPA na armado ng M-16 machine guns.


Naisugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawang sundalo na hindi pa pinapangalanan habang hindi pa naaabisuhan ang mga kaanak nito.


Ayon sa panig ng pamahalaan, mayroon ding nasugatan sa kalaban.


Dahil dito, naglatag na ng checkpoints ang mga sundalo at pulis habang nagsasagawa ang mga ito ng follow-up operations.


The post 2 sundalo sugatan sa bakbakan vs NPA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 sundalo sugatan sa bakbakan vs NPA


No comments:

Post a Comment