Sunday, July 13, 2014

Gilas binutata ang Taiwan

NAGDIWANG agad ang mga Pinoy fans matapos paluhurin ng Philippine national men’s basketball team Gilas ang Chinese Taipei-B, 78-64, para sa maagang Group B lead sa 5th FIBA Asia Cup 2014 sa Wuhan Gymnasium sa Wuhan, Hubei, China kamakalawa.


Maganda ang nilaro ng Gilas sa first half ng iposte nila ang 10-0 start at 35-19 advantage subalit biglang lumamig ang mga Pinoy sa third dahil nakahulagpos ang Taiwanese para maagaw ang bentahe, 50-47, sa likod ng 24-11 blast mula sa 36-26 halftime break.


Sa fourth period, binawi ng Gilas ang manibela matapos itarak ang 31-14 salvo para dikdikin ang Taiwanese, na unang kinaldag ang Jordan kamakalawa, 85-63.


Si coach Rajko Toroman ang nagtitimon sa Jordan.


Nagpakitang-gilas ang bagong miyembro ng Philippine team na si Paul Lee ng ilista nito ang game-high 18 points at four assists habang bumakas si Gary David ng 16 points.


Sunod na sasagupain ng Nationals ang Singapore at pagkatapos ay ang Jordan.


The post Gilas binutata ang Taiwan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gilas binutata ang Taiwan


No comments:

Post a Comment