DALAWANG impeachment complaint ang nakatakdang ihain ngayong darating na Mierkuels, July 16 at Huwebes, July 17, ng mga kongresistang kabilang sa Makabayan bloc.
Kinumpirma ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na kanyang i-eendorso ang impeachment complaint na ihahain sa Huwebes ng sector ng Kabataan samantalang ang Bayan Muna at Gabriela ang mag-i-endorso ng impeachment complaint ng Bagong Alyansang Makabayan na ihahain naman sa Miyerkules.
“Inaasaahang po natin diyan ang minimum of 50 complainants para sa Youth Act Now at sana kung makukuha po natin na mas malaki pa d’yan, eh, susubukan ho natin ‘yan. We are trying to gather signatures nationwide with respect to the impeachment complaint,” ayon kay Ridon.
Nanindigan si Ridon na matibay ang grounds ng kanilang ihahain na impeachment, ito ay ang culpable violation of the constitution.
“Ibig-sabihin po nito, hindi ito simpleng pag-violate ng Constitution kundi deliberate and willful violation po ng ating presidente sa Constitution.”
Naniniwala ang kongresista na sa simula pa lamang ay batid na ng pangulo na labag sa kunstitusyon ang DAP ngunit itinuloy pa rin ang implementasyon nito.
Pangalawang ground na tinukoy ni Ridon ay ang betrayal of public trust kung saan dito aniya ipapasok ang alegasyon ni Senador jinggoy Estrada na ipinanuhol umano ang DAP bilang pabor matapos mapatalsik sa pwesto si dating Chief Justice Renato Corona.
“Sa tingin natin, it does not yet rise to the level of bribery under the constitution. But i think it rises to the level of betrayal of public trust with the dispensing of public money for senators and congressmen,” paliwanag pa ni Ridon.
Pakiusap naman ng mambabatas sa kanyang mga kasamahang kongresista na pawang mga kaalyado ni Pangulong Aquino na huwag harangin ang impeachment upang mabigyan aniya ng pagkakataon si Pangulong Aquino na maipaliwanag sa publiko ang sinasabing “in good faith” ang pagpapatupad sa DAP.
“Actually hindi nga nila dapat harangin itong impeachment complaint na ito kasi this provides the president the venue to really prove good faith. Kung talagang convinced sila sa good faith nila, tingin ko the president should participate in this proceeding,” giit ni Ridon.
The post 2 impeachment complaint vs PNoy tuloy na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment