Friday, November 28, 2014

Rapist na 10-taong nagtago, timbog

DINGRAS, ILOCOS NORTE – Matapos ang 10-taong pagtatago, isang rapist ang nahuli sa kanyang tinataguang bahay sa Dingar sa nasabing lalawigan.


Inaresto ng Philippine National Police (PNP)-Dingras si George Corales, ng Bgy. Mandaloque, ng nasabing bayan.


Dala ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Perla Querubin, hinalughog ng mga awtoridad ang pinagtataguan ng suspek sa nasabing barangay.


Ayon kay Dingras police commander Chief Inspector Teddy Rosqueta, si Corales ay nagtago sa batas makaraang maakusahan ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na taga-Barangay Mandaloque, Dingras.


Ani Rosqueta, isang concerned citizen ang nagturo sa pinagtataguan ng suspek kaya natunton ito ng mga pulis. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Rapist na 10-taong nagtago, timbog


No comments:

Post a Comment