SUGATAN ang isang Koreano matapos barilin ng isa sa dalawang suspek sa Bgy. Balabag sa isla ng Boracay.
Patuloy na ginagamot ang biktimang manager ng spa clinic na si Jin woo Lee, 39, na tinamaan ng bala sa kili-kili ng dalawang hindi kilalang lalaki habang naglalakad pauwi sa tinutuluyang apartment sa lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), naglalakad umano ang Koreano pauwi galing sa isang restaurant nang pagdating sa madilim na bahagi ng kalsada ay biglang pinaputukan ng hindi kilalang armadong lalaki na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.
Tumanggi pang magbigay ng dagdag na detalye ang mismong hepe ng Boracay PNP na si P/Insp Fidel Gentallan sa ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa pangyayari partikular ang pagtukoy sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment