HANDANG-HANDA na ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa pagbisita ng Santo Papa sa Enero, dumalaw man ito o hindi sa piitan.
Inihahanda na ng mga bilanggo ang isang regalo o souvenir para sa Papa, ayon sa pahayag ni Msgr. Bobby Olaguer, chaplain ng NBP.
“Dumating man siya dito o hindi, may something silang inihahanda, ‘di ko lang alam kung painting o sculpture ni Pope Francis bilang alaala ng mga bilanggo mula sa maximum detention cell,” ayon kay Msgr. Olaguer sa panayam ng Radio Veritas.
Umaasa din si Msgr. Olaguer na sana’y makadalaw ang kinatawan ng Vatican sa NBP upang maipaabot ang kanilang regalo bilang alaala ng mga preso sa Santo Papa.
Batay sa tala, higit sa 14,000 mga preso ang nakakulong sa maximum security detention cell.
Una na rin aniyang sumulat ang mga preso para hilingin sa Santo Papa na madalaw sila kahit sandali sa pagbisita nito sa bansa mula January 15-19 ng 2015. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment