DAHIL taliwas ang pahayag ng magkabilang panig hinggil sa kinasangkutan traffic altercation, iminungkahi ng awtoridad na ipa-lie detector test ang negosyanteng si Joseph Russel Ingco at ang sinaktan nitong si MMDA traffic constable Jorbe Adriatico para lumabas ang katotohanan.
Sa panayam sa isang telebisyon program kagabi, sinabi ni Ingco na kaya niya nagawang suntukin si Adriatico ay dahil sa takot na saktan siya nito at para na rin makatakas.
“Para makaalis ako, sinuntok ko po talaga siya. Pero hindi ko alam bakit hindi niya ako binibitawan. Wala naman akong na-violate,” pahayag ni Ingco. “Natatakot na rin ako sa kanya,” dagdag pa nito.
Ayon naman sa mga naunang pahayag ni Adriatico sa QCPD investigators, pinara niya si Ingco dahil sa paglabag sa isang batas-trapiko sa kanto ng Araneta at Quezon Ave. nitong nakaraang Huwebes ng umaga.
Binalikan siya ni Ingco sa kanyang puwesto nang makitang kinukunan niya ng video ang kotse nito habang tumakatas.
Mula aniya roon, tinawag siya ni Ingco habang nasa loob ng kanyang asul na Maserati at nang nasa tapat na ng bintana ay hinaltak siya papasok ng sasakyan saka tatlong ulit na pinagsusuntok habang tumatakbo ang kotse hanggang sa makarating sila sa may kanto ng Sct. Chuatoco at Panay Ave. sa Bgy. Roxas District. Kinuha rin umano ni Ingco ang cellphone ni Adriatico.
Bukod sa mga tinamong sugat at pasa, nabali ang ilong ni Adriatico habang naapektuhan naman ang misis at mga anak ni Ingco sa paninira sa kanya ng netizens sa social media.
Kinasuhan na ni Adriatico nitong nakaraang Huwebes sa QC court ang naturang negosyante ng mga kasong tulad ng serious physical injury, grave threats, direct assault on a person in authority at robbery.
Plano rin ni Ingco na magsampa ng kasong grave threats at physical injury laban kay Adriatico.
Sinabi naman ni MMDA chairman Francis Tolentino, na may halong kasinungalingan ang pahayag ni Ingco, Para aniya patas ay ipa-lie detector test na lang ang dalawa kung kulang pa ang kuha ng video bilang ebidensya sa nangyaring traffic altercation. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment