PATAY ang isang misis na nagtamo ng pitong saksak sa katawan habang patuloy na ginagamot ang kanyang mister matapos silang pagsasaksakin ng ng kanilang kapitbahay sa Bgy. Makati, Diffun, Quirino.
Kinilala ni PO3 Aaron Pongol, imbestigador ng Diffun Police Station, ang mag-asawang biktima na sina Judith Recardo, 32, at Roel Recardo, 31, habang ang suspek ay kinilala ring si Dominique Bimmactad, 29, magsasaka, lahat ng Bgy. Makati, Diffun.
Sinabi ni Roel na nag-iinuman sila ng kanyang kaibigan nang sumigaw ang kanyang misis dahil sa pananaksak ng suspek.
Nagtamo ng pitong saksak si Judith sa tiyan at leeg na sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nang puntahan ni Roel ay siya naman ang pinagbalingan ng suspek na agad namang nahuli at dinala sa presinto.
Itinanggi naman ng suspek ang pananaksak sa mag-asawa at sinabing nagulat siya nang arestuhin siya ng mga pulis. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment