Friday, November 28, 2014

Lady Gaga kinabog ni Pokwang sa production number niya sa awards night!

FEELING heaven ngayon si Pokwang dahil aside sa pinilahan sa U.S. at Canada ang pangalawang international movie niya sa The Filipino Channel (TFC) na EDSA Woolworth, early next year ay part rin si Pokie ng malaking teleserye na Nathaniel ng Dreamscape Entertainment kung saan siya ang gaganap na nanay ng grand winner sa The Voice Kids of the Philippines na si Lyca Gairanod.


Mukhang happy rin ngayon ang sikat na komedyanang singer-dancer sa kanyang lovelife dahil lalong nagiging malapit sila ngayon sa isa’t isa ng American actor na leading man niya sa Edsa na si Lee O’Brian na sabi, dahil sa sobrang pagkahumaling sa kanya ay mukhang ayaw nang umuwi ng Tate at gusto ng makasama ng habangbuhay si Pokey.


Samantala, sa katatapos lang na 28th Star Awards for Television ng PMPC na ginanap sa Solaire Resorts and Casino ay pinag-usapan talaga ang unkabogable na Lady Gaga production number ni Pokwang kung saan tila kinabog pa nito ang orihinal na Lady Gaga. Parang bangenge kasi si Lady Gaga kapag nagpi-perform samantalang si Pokey swabeng-swabe. At sa kanyang daring outfit at sexy dance movement na bigay na bigay, walang sinabi ang kumanta ng Poker Face sa kanya.


Very-very much agree gyud!


DREAM DAD NI ZANJOE MARUDO AT JANA AGONCILLO, WAGING-WAGI SA RATING


Every night kapag nasa bahay kami kasama ng aking mga minamahal na kids, sabay-sabay naming pinanonood ang Dream Dad na bagong teleserye ni Zanjoe Marudo kasama ang cute at bibong bagong tuklas na childstar ng Kapamilya network na si Jana Agoncillo.


Sa true, bongga ang feedback sa serye at panalo agad sa national ratings ng Kantar Media na 30.4%. Hindi pa nga lumalabas ang character ni Jana sa show ay pumalo na agad sila sa ratings. Paano light ang dating ng family drama soap kaya feel good talagang panoorin. Totoo ka, kaaliw talaga ang character ni Gloria Diaz rito na parating ipinaglalaban ang anak na si Baste (Zanjoe) sa milk magnate na mister na si Ariel Ureta.


Kahit na nagagalit na sa husband ay comedy pa rin ang dating ng mga eksena ni Ms. Diaz. Ang gusto lang naman kasi nito ay ang kapakanan ni Baste na huwag biglain sa mga bagay na hindi pa ito handa tulad ng ibinigay na posisyon ng ama (Ariel) na pumalit sa puwesto niya bilang CEO at Presidente ng ENS Milk company.


Mula sa matagumpay na Be Careful with My Heart na umabot na mahigit dalawang taon sa ere, mas tumindi pa ang husay at galing ni Direk Jeffrey Jeturian sa Dream Dad. Abangan ang mas marami pang nakaaaliw na mga eksena sa serye na magpapasaya sa inyo gabi-gabi. Mapanonood ito pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng Kapamilya network. WALANG KIYEME/PETER LEDESMA


.. Continue: Remate.ph (source)



Lady Gaga kinabog ni Pokwang sa production number niya sa awards night!


No comments:

Post a Comment