INIHAYAG ng Department of Health (DoH) na wala pa silang namo-monitor na overseas Filipino worker (OFW) na tinatamaan ng nakamamatay na Ebola Virus Disease (EVD).
Ayon kay DoH spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, wala namang Pinoy health workers na nagtatrabaho sa frontline laban sa Ebola, sa mga lugar na may naitalang Ebola cases.
Aniya, ang mga ito’y karaniwang sa mga pribadong kumpanya nagtatrabaho upang siyang mangasiwa sa kalusugan ng mga manggagawa sa isang patikular na lugar.
“As of this time, no Filipino has been infected by Ebola,” pagtiyak pa ni Lee Suy.
Sa kabila nito, sakaling umuwi aniya sa bansa ang mga naturang Pinoy health workers ay kinakailangan pa rin silang isailalim sa 21-day quarantine upang matiyak na hindi sila nahawahan ng sakit.
Paliwanag ni Lee Suy, ginawa nilang mandatory ang quarantine lalo na’t hindi naman kaagad matukoy kung ang isang OFW ay low risk o high risk case. MACS BORJA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment