Friday, November 28, 2014

Aces nahirapan sa Road Warriors

DUMAAN muna sa butas ng karayom ang Alaska Aces bago kinaldag ang NLEX Road Warriors, 90-84, sa nagaganap na elimination round ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.


Umayuda ng 21 puntos si Dondon Hontiveros upang ilapit ang Alaska sa top two sa elims at para makakuha ng semifinals incentive.


May kartang 8-1 win-loss slate ang Aces habang lumagapak sa 9th place ang NLEX na may 3-6 record.


Hawak ng Road Warriors ang anim na puntos na abante, 82-76, may 2:15 minuto na lang sa fourth period subalit bumira si JV Casio ng short jumper sa tuktok at isang four-point play si Hontiveros para itabla ang iskor sa 82 may 1:30 minuto na lang sa orasan.


Hinigpitan ng Aces ang kanilang depensa kaya nakuha nila ang bola at nakapuntos si Thoss para mabawi nila ang lamang, 84-82, may 49 segundo na lang sa oras.


Pinasok din ni Calvin Abueva ang dalawang free throw, 20 segundo na lang para iselyo ng bahagya ang panalo ng Alaska.


Nakahabol ang Road Warriors sa second quarter at sa third canto ay nailayo nila ang kanilang kalamangan sa 15 puntos subalit humablot ng 14-2 run ang Aces para ibaba sa tatlo, 58-55, tungo sa huling quarter.


Nasa unahan ang NLEX, 47-41, nang biglang umiskor si Enrico Villanueva ng dalawang beses sa loob at si Jonas Villanueva ng isang tres at dalawang free throws para itarak ang pinakamalaking bentahe ng Road Warriors na 15 puntos, 56-41, sa third period.


Tumikada ng 4-of-7 sa three-point range si Borboran para pangunahan ang opensa ng NLEX na may 13 points sa unang dalawang quarters.


Sa fisrt quarter ay umarangkada agad sina Cyrus Baguio at Casio para makuha ng Alaska ang unahan 23-15. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Aces nahirapan sa Road Warriors


No comments:

Post a Comment