KAKASUHAN na ng pamilya Salindab ang doktor na nag-opera at sa iba pang responsable sa pagkamatay ng sanggol na isinilang ni Rohaida Alamada Salindab kamakailan.
Ayon kay P/Insp. Alonto Arobinto, chief of police ng Buluan PNP, Nobyembre 27 pa nang isinugod sa Buluan Hospital ang nagdadalang-taong si Rohaida.
Bandang alas-3:35 ng umaga nang ipinasok ito sa operating room upang isailalim sa ceasarian section.
Bago pa lumabas ang sanggol, madalas umanong itinatanong ng mister ni Rohaida na si Mindatu Mukalam Salindab ang head nurse at sinabing nasa maayos na kondisyon ang sanggol sa loob ng tiyan ng ina.
Ngunit nang matapos na ang operasyon, nagulat na lamang ang pamilya nang ipinakita sa kanila ang sanggol na patay na at tinahi ang leeg nito.
Dito na nagbago ang pahayag ng ospital at sinabing dalawang araw nang patay ang bata sa loob ng sinapupunan.
Hindi naman naglabas ng opisyal na statement ang OB gyne na siyang nag-opera sa biktima na si Dr. Estrella Mae Toreña.
Ayon naman sa Buluan PNP, kanila mismong nakita ang bangkay ng naturang sanggol at naniniwala silang sariwa pa ito at imposibleng dalawang araw na itong namatay.
Ngayong araw naman maglalabas ng kumpletong report ang mga awtoridad kaugnay sa naturang reklamo.
Inilibing na ng pamilya ang namatay na sanggol, alinsunod sa tradisyong Islam sa kanilang lugar sa bahagi ng Sitio Mamalinta, Bgy. Dalagdagan, Mangudadatu, Maguindanao. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment