Friday, November 28, 2014

Bata aksidenteng nabaril ng 10-anyos, kritikal

NASA kritikal na kondisyon at inoobserbahan sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) ang anim na taong gulang na lalaki nang aksidenteng mabaril ng 10-anyos na kalaro.


Tinamaan ng bala ng 12-gauge shotgun sa kaliwang bahagi ng ulo na tumagos sa mata ang biktimang si Merchrist Bornes, grade 1 pupil sa Kaduhaan Elementary School matapos mabaril ng kalarong si alyas ‘Dudot’, 10, grade 3 pupil sa parehong paaralan.


Ayon sa isang batang babaeng saksi, magpapakain sana ng manok si Dudot kasama si Merchrist nang makakita si Dudot ng sumpak na kanila namang pinaglaruan.


Itinutok ni Dudot ang baril sa ulo ng biktima sa pag-aakalang wala itong bala ngunit sa kasamaang-palad ay may karga ito kaya pumutok sa ulo ng biktima.


Patuloy pa ngayon ang pag-iimbestiga ng pulisya kung sino ang dapat managot sa insidente at kung kanino ang nasabing baril. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bata aksidenteng nabaril ng 10-anyos, kritikal


No comments:

Post a Comment