TINIYAK ng Malacañang na makababawi ang ekonomiya ng bansa matapos bumagal ang paglago sa 5.3% sa ikatlong bahagi ng 2014.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, Jr., inaasahan na nila na mas magiging maganda pa ang takbo ng ekonomiya sa huling bahagi ng taon lalo’t mas magiging aktibo ang mga negosyo dahil sa Kapaskuhan at bibilis ang paggastos ng mga Pilipino sa kanilang kinita.
Tiniyak din ni Coloma na magpapatuloy ang rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng iba’t ibang kalamidad.
Ipinagmalaki rin ni Coloma na mas pinasigla ng gobyerno ang sektor ng agrikultura sa tulong ng kanilang idinagdag na pondo at mga programa kaya target nilang mai-poste sa 6.5 – 7.5% ang economic growth rate ngayong taon.
Itinanggi ng Palasyo na may epekto sa pagbaba ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ang desisyon ng Korte Suprema sa legalidad ng Disbursement Acceleration Program (DAP). JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment