NEGATIBO ang resulta ng isinagawang DNA testing sa Amerikanong manyakis na si U.S. Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay kay Jeffrey Laude ng Olongapo City.
Sa mga ebidensyang nakalap ng awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen tulad ng supot ni kuya o mas kilala sa tawag na ‘condom’ na ginamit sa pagsusuri, aba’y lumabas na hindi kay Pemberton ang mga iyon.
Sa ginawa rin na ‘swabbing’ o pagpapahid ng bulak sa loob ng bunganga hanggang sa bukana ng lalamunan ay tumambad sa pagsusuri na hindi rin kay Pemberton.
Ang pamilya ng biktima ang humiling sa DNA test batay sa sulsol este, payo ni Pareng Harry Roque sa paniniwalang ito ang magdidiin kay Pemberton pero kuryente ang inabot ng pamilya Laude.
Parang may malangsa sa mga pangyayari? Kung hindi talaga si Pemberton ang salarin bagaman may mga salaysay na nagsasabi na siya ang kasama ni Jeffrey noong araw na iyon, baka may hokus pokus na? Magsalita ka, Atty. Roque!
###
WALA NANG DAP O PORK BARREL
Ito ang pahayag ng Malakanyang kaugnay sa badyet para sa susunod na taon na binatikos dahil nakapaloob pa rin daw ang sangkaterbang Pork Barrel at DAP ni PNoy.
Hindi lahat ng Pinoy ay tanga! Kung meron man, hindi naman ito ginagamit araw-araw lalo na kung katiwalian o korupsyon sa gobyerno ang usapin tulad ng Pork Barrel.
Kung totoo man na wala na ito, matibay na katibayan dito ang pag-ayaw na ng mga politiko na makilahok pa sa darating na Elections 2016 pero sa tinatakbo ng sitwasyon ay ganadong-ganado pa rin sila dahil may ‘kabuhayan’ pa rin.
Sinong tanga na politiko na tataya ng milyon sa politika kung wala nang ‘dilihensya’. ‘Yung mga tao ni PNoy ay kapit-tuko pa rin sa kanilang puwesto kasi tiba-tiba pa rin sila. Wala na raw Pork Barrel, ute… ninyong may asin!
***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment