Friday, November 28, 2014

Cement mixer sinuwag ng kotse, 2 sugatan

KAPWA sugatan ang dalawang katao nang sumalpok ang kanilang kotse sa isang cement mixer na nakahinto sa isang stop light sa Quezon City kaninang umaga, Nobyembre 28.


Nagtamo ng putok sa noo ang driver ng Toyota Altis na si Randolph Acuña habang naipit naman sa kanyang kinauupuan ang kasama nitong hindi nakuha ang pangalan.


Sumuko naman agad ang driver ng cement mixer pero sinabing nitong siya ang binunggo ni Acuña.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:00 ng umaga sa kanto ng North Ave. at Agham Rd. sa Q.C.


Ayon sa mga nakasaksi, dahil naka-pula ang traffic light ay nakahinto sa nasabing kanto ang cement mixer.


Pero maya-maya lamang ay biglang sumalpok ang humaharurot na kotse ni Acuña sa likuran ng trak.


Sa lakas na pagkakasalpok, nawasak ang harapan ng kotse habang nayupi naman ang bumper ng trak.


Ayon sa rescue team, amoy alak si Acuña na ayaw naman magbigay ng kanyang pahayag. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Cement mixer sinuwag ng kotse, 2 sugatan


No comments:

Post a Comment