NAKAMIT ng Pag-IBIG Fund ang dalawang “Silver Stevie Awards” sa 11th annual Stevie Awards for Women in Business na kung saan nanalo bilang Female Executive of the Year in Government or Non-Profit si Atty. Darlene Marie B. Berberabe, President and Chief Executive Officer, at ang Senior Management team ay nanalo rin ng kaparehong gantimpala para sa ahensya bilang Management Team of the Year sa katatapos na 2014 “Awards Dinner” na ginanap sa New York noong Nobyambre 14, 2014.
“Ang silver Stevie Awards na iginawad sa akin at sa Pag-IBIG Senior Management team – na binubuo ng aking sarili; at ang tatlong Deputy CEO na sina Emma Linda B. Faria para sa Support Services Cluster, Ophelia L. Dela Cerna para sa Provident Operations Cluster, at Acmad Rizaldy P. Moti para sa Home Lending Operations Cluster; at ang aming Chief Legal Counsel Atty. Robert John S. Cosico – ay isang malaking karangalan para sa buong samahan at sa ahensya. Ang mga miyembro namin ang makikinabang mula sa mga nakukuha naming mga pagpupuri mula sa pamayanang internasyonal dahil sa pagbabalida ng mga hurado sa lahat ng mga transaksyong aming ginagawa.
Ang 14.5 milyong miyembro ng Pag-IBIG ay ang tunay na nagwagi sa tuwing mayroon kaming nakakamit mula sa mga award-giving body sa Pilipinas at sa ibayo, dahil sila ang aming inspirasyon, at ang makikinabang sa aming makabagong mga programa na aming nilikha para sa mas malaki, mabuti at mabilis (bigger, better, faster) na Pag-IBIG Fund para sa mga mangaggawang Pilipino sa buong mundo” ayon kay Atty. Berberabe.
Ang Pag-IBIG Fund ang KAUNAUNAHAN ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas na nanalo sa Stevie Awards for Women in Business at ang unang ahensya ng pamahalaan sa Asya na nanalo bilang Management Team of the Year. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment