Thursday, November 27, 2014

4 patay, 7,000 nagsilikas sa bagyong Queenie

NASA apat na katao na ang naitalang patay at daan-daang kabahayan ang winasak dahilan ng halos 7,000 mga nagsilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Queenie sa Visayas at Mindanao.


Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 1,498 pamilya o katumbas ng 6,933 mga residente ang nagsilikas na ngayon’y nasa 30 evacuation centers.


Pinakamarami dito ay sa Bohol na nasa 4,505, sinundan ng Dinagat Island na halos 1,000, habang daan-daan naman ang nagsilikas sa Surigao del Sur, Surigao del Norte at Cebu.


Nabatid na apat ang napaulat na namatay kabilang ang isang engineer sa Bohol, isang mangingisda sa bayan ng Garcia-Hernandez, Bohol, isa sa lalawigan ng Cebu at isa ring mangingisda habang nasa biyahe mula Siquijor papuntang Negros Oriental.


Magugunitang nasa 600 bahay sa Bohol ang nasira dahil sa malalakas na hampas ng alon sa tabing-dagat dulot ng hagupit ng bagyo.


Sa ngayon ay hindi pa mabatid na mga awtoridad ang halaga ng pinsala ng kalamidad. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



4 patay, 7,000 nagsilikas sa bagyong Queenie


No comments:

Post a Comment