Saturday, November 29, 2014

Seguridad sa Cotabato, hinigpitan sa pagtungo ni PNoy bukas

PINAIGTING pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Lungsod ng Cotabato para matiyak ang kaligtasan sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III bukas, Disyembre 1.


Ito’y kasunod ng pagsabog sa nasabing lungsod alas-4:30 kahapon na ikinasugat ng isa.


Kinilala ang biktimang si Rasmia Angas, 22, dalaga, ng Cotabato City.


Ayon kay Cotabato City Police Director S/Supt. Rolen Balquin, dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa isang dumptruck na dumaan sa Sinsuat Ave. cor. Rosales St. kung saan naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktima.


Una rito, isang improvised explosive device (IED) ang sumabog alas-10:00 naman ng umaga kahapon sa Sitio Bagong Bgy. Timbangan Shariff Aguak Maguindanao pero masuwerteng walang tinamaan.


Napag-alamang panauhing pandangal si Pangulong Noynoy Aquino sa State of the Region Address (SORA) ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman na gagawin sa Office of the Bangsamoro People sa Cotabato City.


Ngunit hindi pa kumpirmado kung matutuloy ang pangulo sa pagdalo sa SORA ni Governor Hataman.


Gayunman, maraming mga pulis at sundalo ang ikinalat sa Maguindanao, North Cotabato at Cotabato City para masiguro ang seguridad ni Pangulong Aquino laban sa banta ng pambobomba at pananalakay ng mga armadong grupo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Seguridad sa Cotabato, hinigpitan sa pagtungo ni PNoy bukas


No comments:

Post a Comment