Saturday, November 29, 2014

PATAK PINOY IN ACTION

TALAGANG ‘di na paaawat itong Patak Pinoy Kaunlaran, Inc. na pinangungunahan ng founder nito na si Ka Henry Alvez, na tunay na nirirespeto at hinahangaan hindi lang ng inyong lingkod kundi maging ng mga miyembro ng ibang samahan sa Malabon.


Eh bakit kamo? Kamakailan lang ay pinangunahan nito ang ilang opisyal ng Patak Pinoy sa isinagawang Parliamentary Procedures Seminar na ginanap sa City Hall at inisyatibo ni Mayor Lenlen Oreta III sa pamamagitan ng City Cooperative Development Office upang lalong mapalakas ang kooperatiba sa lungsod.


Ang mas masuwerte ay ang libong miyembro nito dahil kahit bilang bagong tatag na organisasyon pa lang ay makikita ang determinasyon at positibong direksyon nito dahil na rin sa dedikasyon ni Ka Henry na matulungan ang mga maralitang taga-lungsod na magkaroon ng sariling tahanan na kanilang babayaran direkta sa banko at sa sobrang mababang pagbabayad.


Mabilis dumami ang bilang ng samahan dahil nakita ng mga ito na may mabuting patutunguhan ang Patak Pinoy para sa kanilang interes pero mas uunahin muna nito na mabigyan ng sariling bahay ang naunang batch ng 600 families mula sa mga Brgy. Santulan, Maysilo at Panghulo sa itatayong housing site o subdivision sa susunod na taon.


Sa hangarin ni Ka Henry na mas lalong maging malakas at organisado ang samahan, pinangunahan nito ang ginanap na two-day seminar at doon nabuhay ang Patak Pinoy Housing Cooperative na siyang magiging haligi ng organisasyon upang maging mas madali at epektibong maipatupad ang mga programa nito, lalo sa pabahay ng mga miyembro nito.


Kung tutuusin wala namang mahihita o pansariling pakinabang na makukuha itong si Ka Henry bukod pa sa ito ay isang simpleng tao lamang na nag-retire bilang empleyado sa Justice Department. Talagang nais n’ya lang makatulong ‘in his own little way’ ika nga.


Mabuhay ka Ka Henry, sana dumami pa ang lahi mo!


CALOOCAN METRO EAST ROTARY CLUB


Eto pa ang isang samahan na ating hahangaan sa pangunguna ng kanilang pangulo na si kaibigang Arnel Dimalanta, kasama ang immediate past president nito na si Manny Tan.


Naging matagumpay at tiyak ang mahihirap na taga-lungsod ang makikinabang sa pinakahuling proyekto nito, ang palabas kamakailan ni ‘Rico Da Magician’ na isa ring miyembro at finalist sa ABS-CBN Pilipinas Got Talent Season 2 kung saan ito ay dinumog sa World Citi College sa EDSA, Caloocan.


Kung tutuusin, sa talent fee pa lang at high-tech na gamit ni Rotarian Rico sa kanyang pagmamadyik, baka hindi kayanin ng samahan ito pero dahil nga kasama siya ng grupo sa paglilingkod nang walang bayad sa publiko kaya bigay-todo siya. Ang resulta, ang mahihirap na taga-lungsod ang panalo!


Tulad ng iba pang proyekto ng grupo ni Pangulong Dimalanta, ang mga naulilang mga bata at ibang street kids sa lungsod ang t’yak may masayang Pasko.


Hindi ko na babanggitin ang lahat ng masisipag at henerosong miyembro nito na malalapit sa aking puso, baka may ‘di ako mabanggit at magtampo pa sa akin, hehe.


Mabuhay kayo, mabuhay ang Caloocan Metro East Rotary Club! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



PATAK PINOY IN ACTION


No comments:

Post a Comment