Friday, November 28, 2014

3 sugatan sa pamamaril ng tandem sa QC

SUGATAN ang tatlo katao makaraang ratratin ng riding-in-tandem habang pauwi galing sa isang church service sa Bgy. Commonwealth, Quezon City kagabi, Nobyembre 27, Huwebes.


Kinilala ang mga biktimang sina Alfredo Traya, 48, may-asawa, self-employed, Janet Traya, 35, may-asawa, kapwa ng 6188 Doña Nicasia subd., Bgy. Commonwealth, at Eduardo Aberiya, 15, out of school youth ng Magjas St., Bgy. Commonwealth, QC.


Kasalukuyang inoobserbahan ang tatlo sa East Avenue Medical Center (EAMC) dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.


Ayon kay SPO1 Jose Daniel ng Quezon City Police District station 6-Batasan, naganap ang insidente sa kahabaan ng Motorola St., Doña Nicasia subd., Bgy. Commonwealth, QC dakong 7:30 kagabi.


Sa ulat, sakay ang mga biktima ng isang motorsiklo galing sa isang church service at pababa na sa motorsiklo nang biglang dumating ang dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo.


Biglang pinagbabaril ang mga biktima na ikinasugat ng mga ito saka tumakas mabilis na nagsitakas. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



3 sugatan sa pamamaril ng tandem sa QC


No comments:

Post a Comment