TINATAYANG aabot sa 120 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang 80 bahay sa dalawang barangay sa Araneta Ave., Quezon City.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Milagros Pabilangan, 70, sa Bgy. Manresa.
Ayon sa isang kapitbahay na si Luz Ambal, narinig niyang nagkakagulo sa bahay ni Pabilangan pero hindi ito pinansin dahil sanay na silang may nag-aaway doon. Pero bigla silang nakarinig ng sigaw na “aswang” sabay pagliyab ng bahay.
Binanggit naman ng isa pang kapitbahay na si Gemma Ugabang na posibleng nawala sa tamang pag-iisip ang matanda dahil sa utang. Naglaro umano ito ng apoy kaya nagkasunog.
Kumalat ang apoy at nadamay ang ilang bahay na sakop ng Bgy. Masambong.
Ayon kay Chief Inspector Aristotle Banyaga ng QC Fire Department Operations, tatlong senior citizens ang naiulat na nawawala, pero natagpuan ding ligtas ang mga ito.
Si Pabilangan ay nagtamo ng ilang sugat sa kamay at braso.
Alas-4:55 kaninang madaling-araw nagsimula ang sunog at umabot sa ika-limang alarma bago naapula alas-6:55 ng umaga. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment